Pag-amyenda sa termino ng barangay officials, naungkat sa oral arguments ng Korte Supreme sa BSK Elections postponement petition

Personal na dumalo sina Solicitor General Menardo Guevarra at Commission on Election (COMELEC) Chairman George Garcia sa oral arguments ng Korte Suprema kaugnay ng petisyon na kumukuwestiyon sa pagpapaliban sa Barangay at SK Elections (BSKE).

Partikular ang petisyon na inihain ni election lawyer Romulo Macalintal na humihiling sa Supreme Court na magpalabas ng temporary restraining order sa postponement ng halalan.

Sa oral arguments kanina, iginiit ni Macalintal na ang dapat unahin ng Kongreso ay ang pag-amyenda sa termino ng panunungkulan ng barangay officials.


At kapag naamyendahan aniya ang batas hinggil dito, saka na ito ia-apply sa susunod na halalan.

Iginiit din ni Macalintal na pagod na siya sa palaging pagpapaliban sa halalang pambarangay dahil nade-deprive ang kaniyang karapatang bumoto.

Masyado rin aniyang matagal ang palugit ng postponement na umabot ng December 2023 mula sa December 5,2022.

Sa panig naman ni SolGen Guevarra, inihayag nito na base sa Congressional records, isina-alang-alang ng mga mambabatas ang usapin sa pondo sa pagpapaliban ng barangay election.

Pero ano man aniya ang dahilan ng postponement ng eleksyon, ito aniya ay nakasalalay na sa kabatiran ng Kongreso.

Inihayag naman ni COMELEC Chairman George Garcia na kapos na sa panahon kapag itinuloy pa ang halalan sa December 5 dahil wala na silang oras para mag-imprenta ng karagdagang mga balota.

Itinigil aniya kasi nila ang printing ng mga balota nang magpasa ng batas ang Kongreso na nagpapaliban sa nasabing halalan.

Facebook Comments