PAG-AMYENDA SA VAPE ORDINANCE NG DAGUPAN CITY, SUPORTADO NG SK FEDERATION

Ipinahayag ng Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng Dagupan City ang kanilang suporta sa panukalang pag-amyenda ng Vape Ordinance na tinalakay sa Vape Ordinance Committee Hearing noong Biyernes, Enero 16.

Sa panayam ng IFM Dagupan, inilahad ng SK Federation ang hangaring higpitan ang regulasyon sa paggamit at pagbebenta ng vape at iba pang produktong may nicotine at non-nicotine, partikular na para sa mga kabataan.

Ayon sa SK Federation, napapansin nila ang pagdami ng kabataang gumagamit ng vape, kabilang na ang mga insidenteng umano’y pagdadala ng vape sa loob ng mga paaralan.

Dahil dito, iginiit nila ang pangangailangan ng mas mahigpit na patakaran upang maprotektahan ang kalusugan ng kabataan.

Sa kasalukuyan, patuloy pang tinatalakay ang panukalang pag-amyenda sa Vape Ordinance ng lungsod.

Facebook Comments