Pag-angat ng maritime industry sa Pilipinas, planado na ni VP Leni

Plano ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo na doblehin ang laki ng maritime industry sa bansa.

Gayundin, palakihin ang bahagi nito sa ekonomiya mula 6% tungo sa 12% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.

Sa kanyang virtual session sa Filipino Shipowner’s Association, sinabi nito na kailangan lamang aniya na magkaroon ng integrated national logistics system na magpapasok ng mga pamayanan sa laylayan sa mas malaking merkado ng bansa.


Nais pa niyang idagdag ang maritime course sa senior high school, karagdagang mga opisyal sa hanay ng mga mandaragat, paghikayat na magrehistro sa bansa ang mga international cargo vessel at gawing logistics hub ang Pilipinas.

Facebook Comments