Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na patuloy nitong palalawakin ang mga oportunidad para sa mga guro at wala nang guro ang magreretiro bilang Teacher 1 level.
Ayon sa pangulo, sa ilalim ng nilagdaang Implementing Rules and Regulations ng Executive Order No. 174 o ang Expanded Career Progression (ECP) system, patuloy na maiaangat ang karera ng mga guro.
Tiniyak din nito ang streamlining sa karera ng public school administrators.
Nanawagan din ang pangulo kay Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara at kaukulang ahensya ng gobyerno na ipagpatuloy ang pag-a-angat sa kalidad ng edukasyon, itaguyod ang karapatan ng mga guro, at sumabay sa nagbabagong academic landscape.
Facebook Comments