Pag-angkas ng mga bata sa motorsiklo – ipagbabawal na rin simula, bukas

Manila, Philippines – Ipagbabawal na rin ang pag-angkas ng mga bata sa motorsiklo simula sa Biyernes, May 19.

Batay sa implementing Rules and Regulations ng Children Safety on Motorcycle Act – ang bata lamang na kayang iapak ang kanilang mga paa sa footpeg o footrest ng motorsiklo at mayroong protected gear gaya ng helmet ang mga maaaring iangkas sa motorsiklo.

Ayon kay Department of Transportation Assistant Secretary Richmund De Leon – layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga batang inaangkas ng motorsiklo.


Maaari namang isakay ang bata sa motorsiklo kung ito’y nangangailangan ng agarang medical attention.

Ang sinumang motoristang lalabag sa naturang kautusan ay pagmumultahin ng aabot sa sampung libong piso at posibleng kanselahin ang kanilang driver’s license.
DZXL558

Facebook Comments