Papayagan pa rin ang back-riding sa mga motorsiklo sa mga lugar na nakasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ito ang sinabi ni Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar kasunod ng suspensyon ng mga public transport.
Pero paglilinaw niya, papayagan lang ang pag-angkas para sa Authorized Persons Outside Residence (APOR) o essential workers.
Required pa rin ang paglalagay ng safety barriers sa mga motorsiklo.
Samantala, muli ring ibinalik ng mga Local Government Unit (LGU) ang liquor ban kung saan bawal ang pagbebenta, distribusyon at pag-inom ng alak.
Nauna nang nag-anunsyo ng liquor ban ang mga lungsod ng Quezon, San Juan at Maynila.
Facebook Comments