Inaprubahan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang importasyon ng 150,000 metric tons refined sugar.
Sa pamamagitan ito ng Sugar Order No. 7 na may petsang July 6.
Kabilang sa lumagda rito si Pangulong Bongbong Marcos, gayundin sina Agriculture Senior Usec. Domingo Panganiban, acting SRA Chief Pablo Luis Azcona, at acting Board Member Millers Representative Ma. Mitzi Mangwag.
Ito na ang ikatlong sugar import program ng pamahalaan para sa crop year 2022-2023 at ikalawang import program para sa taong 2023.
Facebook Comments