Pag-angkat ng agricultural products, pinapahinto ng isang senador

Pinapahinto na ni Senate Majority Leader Migz Zubiri sa Department of Agriculture o DA ang pag-angkat ng mga produktong pang-agrikultura sa panahon ng anihan ng mga magsasaka.

Giit ito ni Zubiri sa harap ng nakatakdang pag-angkat ng bansa ng asukal na tiyak magpapabagsak sa lokal na mga magsasaka ng asukal.

Dismayado si Zubiri sa serye ng importasyon ng bigas at mais, gayundin ang karne ng baboy, baka, at manok na nasundan ng isda at ngayon asukal naman.


Diin ni Zubiri, napatunayan sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic ang kahalagahan ng agricultural sector na siyang pinagkukunan ng pagkain sa gitna ng mga ipinapatupad na lockdown.

Kaya naman malaking kwestyon kay Zubiri ang pagsusulong DA ng mga polisiyang pabor sa importasyon na makakasama sa ating mga magsasaka.

Ikinatwiran din ni Zubiri na dapat maging bahagi ng polisiya ang hingi pagpapatupad ng importasyon sa tuwging panahon ng anihan.

Dagdag pa ni Zubiri, ang ating food security ay hindi dapat nakadepende sa pag-angkat.

Facebook Comments