Pansamantalang ipinatigil ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng balat ng baboy mula sa mga bansang apektado ng African swine fever o ASF kabilang ang China.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, layunin nito na maprotektahan ang industriya ng pagbababoy sa bansa.
Sa inilabas na memorandum order nitong Enero 25 ipinagbabawal nito ang importasyon ng domestic and wild pigs at iba pang produkto nito bilang emergency measures upang maiwasan ang pagpasok ng African swine fever virus sa bansa.
Ang ASF ay banta sa local swine industry at maging sa food security na direktang maaapektuhan ang kabuhayan ng mga pig producers.
Kasalukuyan nang isinasagawa ng Bureau of Animal Industry (BAE) ang risk assessment sa ASF virus sa pamamagitan ng importasyon ng leather products mula China.
Ikinokunsidera na rin ng BAE na magpadala ng inspection team sa China matiyak kung nasusinod ang GMP at HACCP compliance.
Kaugnay nito pinayuhan na ng DA ang mga importers na mag angkat muna ng pig skin leather requirements sa mga bansang ligtas sa African swine fever virus.