Pag-angkat ng isda at gulay, wala umanong konsultasyon sa mga concerned agri sectors —SINAG

Wala umanong nangyaring konsultasyon sa mga concerned agri sectors sa desisyon ng pamahalaan na mag-angkat ng gulay at isda.

Ito ang ipinahayag ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

Ayon kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet, bagama’t sinasabi umano ng Department of Agriculture (DA) na maituturing na historic damage ang iniwan ng sunod-sunod na bagyo sa agriculture sector, dapat umano ay tinanong muna ang fishery at vegetable sector kung importation agad ang solusyon.


Wala naman aniyang masama kung mag-import, kung magkakaroon ng epekto ito sa pagbaba ng retail prices ng isda at gulay.

Sa ngayon, ayon kay Cainglet, ang farmgate price sa mga “bulungan” o bagsakan ng galunggong ay naglalaro mula ₱120-180 pero ang retail price ay nasa ₱320.

Ang produksyon naman aniya ng gulay ay nasa small scale pa lang at hindi pa apektado ng importasyon.

Kaya nagtataka ang grupo kung bakit bubuksan ang floodgates para sa vegetables importation.

Facebook Comments