Pag-angkat ng mas maraming baboy bilang solusyon sa ASF, pinag-aaralan ng pamahalaan

Posibleng umangkat ng mas maraming baboy ang pamahalaan ngayong taon dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF).

Ito ay matapos bumaba sa 9 percent ang produksyon ng baboy sa bansa.

Batay sa datos ng United States Department of Agriculture Foreign Agricultural Service, kailangang umangkat ng pamahalaan ng 300,000 metriko tonelada ng baboy para mapunan ang bilang ng mga baboy na isinailalim sa culling dahil sa ASF.


Ang pag-angkat ay 55 percent na mas mataas kaysa sa inangkat na 240,000 metric tons ng baboy noong nakaraang taon.

Facebook Comments