Iginiit ni Senator Joel Villanueva sa pamahalaan na sa halip makatulong ay lalong makakadagdag sa problema ang hakbang na itaas ang volume ng aangkating karneng baboy at ibaba ang taripa o buwis nito.
Paliwanag ni Villanueva, kung pabahayain ng imported na karne ng baboy sa bansa ay lalong mahihirapan na makabangon ang mga lokal na magbababoy.
Paglilinaw pa ni Villanueva, hindi tututol ang mga senador sa pork importation, ang kanilang kinokontra ay ang sobrang sobrang pag-angkat ng pork na lalabis sa demand ng mamamayan.
Sabi pa ni Villanueva, dapat ay sapat at sa tamang pagkakatoan gawin ang pork importation at piliin ang mga nararapat na magsagawa nito pati ang makatwirang taripa.
Humihiling din si Villanueva sa National Economic and Development Authority (NEDA) na magsumite comprehensive benefit-cost analysis para madetermina ang epekto ng pinalawig na pork importation mga stakeholders sa lokal hog industry.