Pag-angkat ng mga sibuyas sa bansa, iminungkahi ng SINAG sa pamahalaan laban sa mataas na presyo nito sa mga palengke; 15 hanggang 20 bagong grupo na sangkot sa smuggling ng mga produktong agrikultura, isiniwalat!

Iminungkahi ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa pamahalaan na mag-angkat ng sibuyas sa bansa.

Ayon kay SINAG President at Chairperson Rosendo So, ito ang nakikita niyang solusyon laban sa mataas na presyo ng sibuyas sa mga palengke.

Kailangan aniya mag-import ng dalawang-libo at limang-daan metriko tonelada ng pulang sibuyas at tatlong-libo at limang-daan metriko tonelada naman ng puting sibuyas.


Nabatid na pumalo na sa 250-pesos hanggang 270-pesos ang kada kilo ang presyo ng sibuyas ngayong linggo, kumpara sa 230-pesos na kada kilo nito noong nakaraang linggo.

Sa ngayon ay masusing pinag-aaralan pa ng Department of Agriculture (DA) kung mag-a-angkat pa ng sibuyas sa bansa dahil naka-depende ito kung sasapat ang natitirang sampung libong metriko tonelada ng pulang sibuyas na kasalukuyang suplay.

Samantala, isiniwalat naman ni So na nasa labing-lima hanggang dalawampu bagong grupo ang sangkot sa smuggling ng mga produktong agrikultura.

Facebook Comments