Kinuwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-angkin ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China.
Matatandaang ang Pilipinas, China, Brunei, Taiwan, Malaysia, Indonesia at Vietnam ay may claims sa pinag-aagawang teritoryo.
Sa talumpati sa Nikkei Conference on the Future of Asia sa Tokyo, Japan – sinabi ng Pangulo na mahal niya ang China pero tanong nito, tama ba sa isang bansa na angkinin ang buong karagatan.
Umaasa rin ang Pangulo na makakabuo ang China ng sea conduct sa lalong madaling panahon.
Iginiit ng Pangulo na hindi dapat makialam ang Estados Unidos sa usapin ukol sa South China Sea dahil wala naman anyang mangyayari kung sasama ito sa talakayan.
Bago ito, dati nang isinisi ni Pangulong Duterte sa Estados Unidos at kay dating Pangulong Noynoy Aquino III ang hindi pagkompronta sa China sa pagtatayo nito ng military facilities sa artificial islands sa West Philippines Sea.