Pag-anunsyo ng granular lockdown sa Metro Manila, magiging surpresa – DILG

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magiging surpresa ang paraan ng pag-anunsyo ng ipapatupad na granular lockdown sa Metro Manila.

Taliwas ito hiling ng mga Pilipino na agahan ang anunsiyo kung kailan ipapatupad ang lockdown upang makapaghanda ang lahat.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, posibleng ngayong araw, September 13 o bukas, September 14 isasapubliko ang guidelines para sa bagong COVID-19 alert system.


Dumepensa naman si Malaya na ang tanging City Health Office lamang ang nakakaalam ng datos upang hindi na magkaroon ng panahon ang mga residente na lumipat ng lugar na iba ang alert system.

Inaasahang maipapatupad ang bagong polisiya simula September 16 na magtatagal ng hanggang dalawang linggo.

Facebook Comments