Pag-anunsyo ng ‘yellow alert’ sa suplay ng elektrisidad, pinagdudahang may plano na namang pagtaas sa singil sa kuryente ayon sa ilang grupo

Pinagdududahan ng  ilang grupo na may pagtataas muli ng singil sa presyo ng kuryente dahil sa  pagkawala ng enerhiya ng mga power plant sa unang araw pa lamang ng buwan ng  Abril.

Kasunod ito ng pag-anunsyo ng ‘yellow alert’ sa status ng elektrisidad sa ilang lugar sa Luzon.

Ipinahayag na ng Department of Energy (DOE) na may sapat na supply ng elektrisidad ngayong summer at maging ang mga grid operator ay naghayag din na magiging normal ang sitwasyon ng kuryente sa Luzon grid.


Pero sinabi ni Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares, huwag nang gamitin pa ng Meralco at Energy Regulatory Commission (ERC) ang pag-shutdown ng mga planta ng enerhiya upang isulong ang kanilang agenda na isubo sa publiko ang overpriced power supply agreements na una na nilang kinuwestyon sa Korte Suprema.

Sinabi naman ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate  na tila tiyempo ang pag-aanunsyo ng mga electricity generation companies sa power outages dahil maaari itong gamitin ng Meralco na panlilinlang upang magtaas ng singil sa kuryente.

Nagkaroon ng power outages ang Masinloc 2 habang ang  iba pang mga planta ng enerhiya tulad ng Pagbilao 1, South Luzon Thermal Energy Corporation (SLTEC 1)  at  Malaya 2 ay may nakatakda ding maintenance-shutdown.

Facebook Comments