
Naniniwala si Atty. Kristina Conti na walang epekto sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte at sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) ang maaga niyang pag-anunsyo ng bise presidente sa kaniyang kandidatura sa 2028.
Ayon kay Atty. Conti, sakaling manalo si VP Sara sa pagkapangulo, hindi rin niya maililigtas ang ama sa proseksyon kaugnay ng libo-libong nasawi sa war on drugs nito noong kaniyang pagkapangulo.
Kahit umano ang hirit na interim release ni Duterte ay alanganing maipagkaloob kahit manalo ang anak sa pagkapresidente.
Sa usapin naman ng impeachment case ni VP Sara, sinabi ni Conti na mas mahirapan si Duterte na ilarga ang kandidatura kung may kinakaharap siya na mga asunto kaugnay ng kwestyonable niyang paggastos sa kaniyang confidential funds.
Dagdag ni Conti, hindi makatutulong ang naging estratihiyang ito ni Duterte, dahil wala pang kandidato sa mataas na pwesto na nadawit sa mga kaso ang nanalo sa aktuwal na eleksyon.
Walang shock and owe ang anunsyo ni Sara dahil marami pa rin naman ang maaring mangyari hanggang 2028.










