PAG-APAW NG MGA DRAINAGE SYSTEM SA SAN CARLOS CITY, UMPISA NANG TINUTUGUNAN

Nasimulan na ang pagsasaayos ng drainage system sa kahabaan ng central business district ng San Carlos City matapos ang problemang pag-overflow ng mga agusan na nagdudulot ng pagbabara at pagbaha.

Ayon sa Pamahalaang Panlungsod, sanhi umano ang pagtatayo ng mga bagong istruktura sa dating mga open area na sumasalo sa tubig ang pag-apaw ng mga drainage.

Dahil dito, bukod sa declogging operations, nakahanda na rin ang masterplan para sa upgrade ng drainage line sa naturang bahagi. Kasalukuyang inaayos ang drainage upang masolusyonan ang pagbaha sa pamilihang bayan.

Kaugnay nito, panawagan naman ng awtoridad ang responsibilidad ng publiko sa waste disposal upang hindi magbara ang kanal.

Inaasahan naman matatapos ang plano sa drainage system ngayon o sa susunod na taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments