Pag-apaw ng mga ospital dahil sa COVID-19, ikina-alarma ni Senator Drilon

Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kahalagahan na magkaroon ng comprehensive plan sa pagtugon sa pandemya lalo ngayong umaapaw na ang mga ospital dahil sa lumolobong kaso ng COVID-19.

Ikina-alarma ni Drilon ang report ng mga ospital lalo na sa Metro Manila na nalalapit na sa “danger zone” dahil okupado na ang 82.2% ng COVID-19 bed capacity nito.

Binanggit ni Drilon na ang mga ospital naman sa Calabarzon at Central Luzon ay nasa “warning zone” na dahil 50% ng bed capacity nito ang okupado na.


Ayon kay Drilon, dahil sa ganitong sitwasyon ay nangangamatay na ang ilang pasyente habang naghihintay ng hospital beds at resulta ng COVID-19 tests.

Diin ni Drilon, naghihingalo na ang ating mga hospital at huwag na sanang hintayin ng gobyerno na umabot sa 100% ang occupancy rate nito bago magkaroon ng kongkretong plano sa COVID-19 pandemic.

Umaasa si Drilon na mamadaliin ng Department of Health (DOH) ang pagkilos bago tuluyang bumagsak ang ating health care system.

Facebook Comments