Cauayan City, Isabela- Inalerto na ng lokal na pamahalaan ng Bayombong sa Nueva Vizcaya ang mga tauhan ng rescue team sakaling magkaroon ng pag-apaw ng lebel ng tubig sa Bato Overflowbridge sa boundary ng Bambang-Bayombong.
Ayon kay Mayor Ralph Lantion, nagbigay na ng paabiso ang pamahalaan sa mga residenteng nakatira malapit sa lugar kung sakali ay bakantehin ang kanilang tirahan kung sakaling makakaranas ng tuloy-tuloy na pag-uulan.
Dagdag ng alkalde, posibleng maapektuhan ang mga barangay na sakop ng magat tiver gaya ng Magsaysay, Salvacion, Vista Alegre, Bonfal East, District 4 at Bonfal Proper.
Nakahanda na rin ang mga food packs na ipapamigay sa mga apektadong pamilya bunsod ng Bagyong Pepito.
Sa ngayon ay patuloy ang monitoring ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) para matiyak na walang maitatalang casualty sa buong bayan maging sa probinsya.