Pinaplano na ng kampo ni dating Senator Bongbong Marcos na i-apela ang pagbasura ng Korte Suprema sa election protest niya laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos sinabi nito na wala pa silang natatanggap na kopya ng desisyon.
Pero aniya hindi pa maituturing na tapos ang laban dahil nais pa nilang linawin kung ano nga ba ang ibinasura ng Presidential Electoral Tribunal (PET).
Una nang sinabi ng kampo ni Marcos na ang na-dismiss lang ay ang second cause of action o ang manual recount sa tatlong probinsya kahit lumabas na lumamang si VP Robredo dito.
Facebook Comments