Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga undocumented Filipino workers sa Saudi Arabia na hanggang ngayong araw na lamang pwedeng humabol para sa amnesty program.
Sa huling tala ng Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA), nasa 5,299 undocumented OFW mula Saudi ang nakabalik na ng Pilipinas na walang kaso o penalty.
Ayon kay migrante Spokesperson Arman Hernando – nasa 12,000 undocumented pinoy ang nasa Saudi at marami sa mga ito ang naniniwalang hindi sapat ang ibinibigay na tulong gobyerno.
Sinabi naman ni Labor Undersecretary Dominador Say, hindi naman nila pwedeng pwersahin na umuwi ang mga undocumented pinoy na ayaw.
Pero tiniyak naman ni say na tutulungan pa rin nila ang mga pinoy na tatamaan ng crackdown sa mga undocumented foreign workers pagkatapos ng amnesty period.
Paaalala pa ng DOLE, posible pa ring arestuhin ang mga OFW na naisyuhan ng exit visa kapag nananatili pa rin sa saudi sa oras na matapos ang amnesty period.