Makakabuti sa vaccine coverage ng Pilipinas kung mag-a-apply ng Certificate of Product Registration (CPR) ang mga drug companies.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana, sa sandali kasing mayroon nang Certificate of Product Registration ang mga kompanya ng mga gamot ay kaya nang i-market ang mga COVID-19 vaccines sa general public.
Ito aniya ang status sa Amerika na kung saan ay mayroon nang CPR ang Pfizer at Moderna vaccine kaya available na ang mga ito sa mga merkado doon.
Paliwanag pa ni Salvana, kapag nangyaring naipagkaloob na ang CPR sa mga drug companies ay maaari nang ibigay ng mga doktor ang bakuna laban sa COVID-19 kahit sa kani-kanilang mga klinika.
Facebook Comments