Pinapayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-apply ng Certificate of Public Convenience para sa mga Public Utility Vehicle (PUV) operators para sa mga sasakyan na hindi hihigit sa tatlong taon ang tanda.
Ayon sa Board Resolution no. 52 s. 2018 ng LTFRB, tanging mga bagong sasakyan na nabili o na-issue sa taon na in-apply ang CPC o nabili noong nakaraang taon bago mag-apply ng CPC ang kwalipikado.
Pero base sa Memorandum Circular No. 2022-072, maaari nang i-apply ang mga sasakyan na hindi hihigit sa 3 taon ang tanda bilang konsiderasyon sa hiling ng mga PUV operator na apektado ng COVID-19 pandemic.
Nakasaad din sa MC No. 2022-072 na hanggang ika-30 ng Hunyo 2023 lamang papayagan ang pag-apply sa mga naturang sasakyan.
Para sa mga regular na update, maaring bisitahin ang official Facebook page ng LTFRB o kaya ay tumawag sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342 o magtungo sa official website ng LTFRB.