Pag-apply ng Pfizer sa EUA, magandang balita – Palasyo

Posibleng mapaaga ang pagdating ng COVID-19 vaccine ng kumpanyang Pfizer.

Ito ay matapos mag-apply ang kumpanya para sa Emergency Use Authorization (EUA) sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magandang balita ito dahil hindi naman ito magagawa ng Pfizer kung hindi pa sila handang ibigay ang mga bakuna.


Ang iba pang pharmaceutical companies na nagde-develop ng COVID-19 vaccines gaya ng Sinovac at Sinopharm ng China, Moderna ng US, at AztraZeneca ng UK.

Sa ngayon, wala pang naaprubahang COVID-19 vaccine ang Food and Drug Administration (FDA).

Bago ito, nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte kay FDA Director General Eric Domingo na huwag nang patagalin ang proseso kung ang bakuna ay nakakuha ng approval.

Facebook Comments