Maaari nang mag-apply ng salary loan ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) sa pamamagitan ng pinakabagong bersyon ng kanilang mobile app.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer (CEO) Aurora Ignacio, kabilang sa bagong feature ng app ang redesigned dashboard kung saan maaaring i-check ng mga user ang kanilang kontribusyon, mag-apply at ma-check ang status ng salary loan, tignan ang kanilang contribution payment services.
Umabot naman sa 15.3 million ang nag-download ng mobile application na mayroong 85,000 na transaction kada araw.
Facebook Comments