Pag-apply ng visa sa South Korea, mas padadaliin na

Inanunsyo ng Malacañang, Lunes, ang desisyon ng South Korea na padaliin ang requirements sa visa para sa mga Pilipinong nagbabalak na bumisita sa nasabing bansa.

Ayon sa embahada, babawasan na raw ang mga kinakailangan para sa visa, lalo na para sa mga professional, media, at empleyado ng gobyerno.

Kasabay ng anunsyong ito ang selebrasyon ng ika-70 taon ng diplomatic ties ng Pilipinas at South Korea.


Dagdag pa ni Korean Ambassador to the Philippines, Han Dong-Man, target ng kanilang bansa makaattract ng dalawang milyong turistang Pinoy, palakasin ang two-way trade at doblehin ang bilang ng scholarship para sa mga Pinoy.

Pang-pito ang South Korea sa pinakamalalaking trading partner ng Pilipinas.

Facebook Comments