Pag-apruba ng 2020 Budget ikinatuwa ng DepEd

Welcome development sa tanggapan ng Department of Education (DepEd) ang pag apruba ng  Presidente, members ng  House of Representatives at  Senado ng General Appropriations Act para sa  Fisccal Year 2020.

Naniniwala ang DepEd na malaking tulong ang pag apruba sa 2020 budget ng Kagawaran upang matugunan ang malaking hamon ng Departamento sa kakulangan ng mga silid aralan sa buong bansa at mababang sahod ng mga guro

Malaking tulong din anila ang karagdagang sahod para sa mga teaching and non-teaching employees ng  Departmento na magsisimula sa buwan January 2020.


Ang bagong budget ay malaking tulong para suportahan ang programa ng Kagawaran na “Sulong EduKalidad”, uoang magkaroon ng isang kalidad na basic education.

Facebook Comments