Pag-apruba ng CHED at IATF sa mga panuntunan ng UST sa pagbubukas ng kanilang face-to-face classes sa medical courses, ina-abangan

Agad na ilalabas ng University of Santo Tomas ang mga panuntunan sa kanilang pagbubukas ng face-to-face classes sa medical courses.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng UST ang pag-apruba ng Commission on Higher Education (CHED) at Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 sa kanilang isinumiteng guidelines.

Kasunod ito ng pagpayag ng Manila City Local Government Unit (LGU) na makapagsagawa ng partial resumption ng face-to-face classes ang nasabing unibersidad.


Kabilang sa mga pinayagan ng Manila LGU sa face-to-face classes sa UST ang mga programa nito sa medicine, medical technology, physical therapy at nursing.

Facebook Comments