Ikinabahala ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Party-list Arlene Brosas ang pag-apruba ng Department of Trade and Industry (DTI) na bawasan ang size ng mga produkto sa halip na magtaas ng presyo.
Diin ni Brosas ang nabanggit na desisyon ay papabor lang sa mga malalaking negosyo.
Giit ni Brosas, ang bigyang konsiderasyon ng gobyerno ay ang pagbibigay ng proteksyon sa consumers at pagbibigay ng increase sa sweldo ng mga manggagawa.
Paliwanag ni Brosas, hindi makatarungan na payagan ang mga negosyo na bawasan ang laki ng kanilang produkto upang mapanatili ang kita.
Sabi ni Brosas, tiyak na sa huli ay ang mga mamimili ang biktima dahil sa kawalan ng dekalidad at abot-kayang produkto para sa lahat.
Facebook Comments