Manila, Philippines – Ikinababahala ng Bayan Muna sa Kamara ang desisyon ng Energy Regulatory Commission o ERC na aprubahan ang pagpapagawa ng transmission line para sa power plant project na subsidiary ng MERALCO.
Ang nasabing power plant ay aabot ng 1.7 Billion pesos na ngayon ay nahaharap sa pagkwestyon ng Kamara, Korte Suprema, Ombudsman at maging nang Malacañang.
Sinasabing inaprubahan agad ng ERC ang transmission line ng Meralco at ng subsidiary power plant gayong kasalukuyang iniimbestigahan ang power supply agreement o PSA.
Kinukwestyon kung ang PSA ba ay sa pagitan lamang ng Meralco o Atimonan One Energy Inc. o kasama na rin dito ang anim sa Meralco-controlled power companies.
Nangangahulugan na ang supply agreement at pagpapatayo ng transmission lines sa pitong power companies ng Meralco ay dagdag bayad para sa mga consumers kung saan P91 Billion ang magiging dagdag na singil sa kada taon.
Babala ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, posibleng ma-contempt at masampahan ng kasong criminal ang mga ERC commissioners kung ipipilit ang pagpapatayo ng transmission lines.