Pag-apruba ng Kamara sa 2021 budget ng OVP, ikinalugod ni VP Robredo

Ikinalugod ni Vice President Leni Robredo ang pag-aprubad ng Kamara sa proposed budget ng kanyang opisina para sa taong 2021.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, natutuwa sila na ang ₱679.74 million budget para sa Office of the Vice President (OVP) ay nakalusot na sa House plenary session.

Ang pagpasa aniya ng Kongreso sa OVP budget ay mahalaga para maipagpatuloy ang pagpatutupad ng kanilang mga proyekto at programa.


Nabatid na humiling ang OVP ng budget na nasa ₱723.39 million para sa susunod na taon, pero nasa ₱680 million ang tanging ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM).

Mababa kumpara sa kasalukuyang allocation ng OVP na nasa ₱708 million.

Facebook Comments