Pag-apruba ng Kamara sa panukalang nagpapataw ng parusang bitay sa mga mahuhulihan ng iligal na droga, binawi

Manila, Philippines – Binawi ngayon ng Mababang Kapulungan ang pagkakapasa sa 2nd at 3rd reading sa panukala na nagpapataw ng parusang bitay sa mga mahuhulihan ng iligal na droga sa mga parties, social gatherings at meetings.

Sa anunsyo sa plenaryo, ibabalik ang House Bill 8909 na layong amyendahan ang Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa House Committee on Dangerous Drugs para mapag-aralan.

Bukod dito, maraming nga kongresista na anti-death penalty ang bumoto pabor sa panukala na hindi nila nalalaman.


Nakasaad sa Section 13 ng panukala na ang mga taong mahuhulihan ng iligal na droga sa mga party, social gatherings, at meetings na dinadaluhan ng dalawa o higit pang mga indibidwal ay mahaharap sa life imprisonment o parusang kamatayan.

Pagmumultahin din ang mga ito ng P500,000 hanggang P10 Milyon piso.

Iba pa ito sa mga ipapataw na parusa sa mga sangkot sa pag-e-export ng iligal na droga at mga nagpapaupa ng lugar para gawing laboratoryo para sa paggawa ng droga.

Facebook Comments