Ipinagpasalamat ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga mambabatas ang pag-apruba sa paglalaan ng P54.6 bilyon na supplemental fund kung saan isa sa mabibiyayaan nito ay ang mga retired uniformed personnel na mayroong pension arrears.
Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, bagama’t natagalan bago ito napaglaanan ng pondo, malaki aniya ang maitutulong nito sa mga retiradong sundalo lalo na ngayong may pandemya.
Sakali aniyang matanggap na ng mga retired uniformed personnel ang pondo, makakatulong ito para maiangat ang pamumuhay ng maraming mga uniformed personnel retirees na una nang nagsilbi sa bansa at ngayon ay nangangailang ng tulong ng gobyerno.
Batay sa House Bill No. 9149, bukod sa retired uniformed personnel makakatanggap din ng pension and gratuity fund ang retired uniformed personnel ng PNP, BFP, Philippine Coast Guard at National Mapping and Resource Information Authority o NAMRIA.