Pag-apruba ng Pilipinas sa Sputnik V vaccine, hinihintay ng Russia

Handa na ang Russia na magbigay ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas kapag nakakuha na ito ng emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay Russian Direct Investment Fund Chief Executive Officer Kirill Dmitriev, dapat palawakin ng Pilipinas ang COVID-19 vaccine portfolio nito, lalo na at nagkakaroon na ng supply shortages sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sinabi pa ni Dmitriev na handa silang magbigay ng bakuna para 700 milyong tao sa buong mundo ngayong taon.


Ang Sputnik V ay nabigyan ng EUA ng 22 bansa.

Facebook Comments