Pinag-usapan ang pag-apruba ng Proposed Annual Budget ng lungsod ng Dagupan para sa taong 2023, sa ginanap na session sa tanggapan ng Sangguniang Panlungsod nito lamang ika-10 ng Enero taong kasalukuyan.
Tinalakay sa nasabing session ang pag-apruba ng budget na kinakailangang maipasa na sa loob ng 90 days.
Ang hindi naman pagtapos ng naturang budget sa ibinigay na takdang petsa ay hahantong sa reenactment budget na alinsunod naman sa local government code guide ng local governance.
Nilinaw din ni DILG Provincial Director Virgilio Sison na dumalo sa regular session ng lungsod ang Section 323 ng Local Government Code na hindi maaaring talakayin ng Sanggunian ang anumang agenda nang hindi natatapos ang usapin sa pag-apruba ng annual budget.
Hinikayat ng ni PD Sison ang mga konsehal na unahin ang pag-apruba ng annual budget para sa taong 2023 at isaalang-alang ang kapakanan ng mga residente sa lungsod ng Dagupan.
Samantala, ngayong araw din magaganap ang committee hearing para sa annual budget upang talakayin ang mga isyu at bahaging nakapaloob dito. | ifmnews
Facebook Comments