Pag-apruba ng Senado sa 2025 budget, resulta ng masusing deliberasyon na napagkasunduan ng mga senador

Sinagot ni Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe ang pahayag ni Senator Imee Marcos na masama ang loob ng halos 12 senador dahil hindi pinansin ang pagtaas nila ng kamay para dagdagan ang budget ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay Poe, ang pag-apruba sa 2025 national budget ay resulta ng isang masusing deliberasyon.

Paalala ni Poe, lahat ng mga senador ay bumoto nang pabor sa 2025 General Appropriations Bill (GAB) maliban lamang sa isa na nag-abstain na si Senate Minority Leader Koko Pimentel.


Ang bagong budget ay magpapahusay sa lahat ng ahensya para magampanan nila ang kanilang mandato na maghatid ng dekalidad na serbisyo para sa mga Pilipino.

Mahalaga rin aniyang matiyak ang pagiging epektibo ng paggugol, paggamit at rationalization sa kaban ng bayan.

Posibleng sa December 9 o 10 na ang susunod na bicam at kasalukuyan pang inaayos ng binuong technical working group ang ilan sa mga nagbabanggaang probisyon sa dalawang magkaibang budget version ng Senado at Kamara.

Facebook Comments