PAG-APRUBA NG SERVICE RECOGNITION INCENTIVE AT RICE ASSISTANCE PARA SA MGA LGU EMPLOYEES NG DAGUPAN CITY, INIHAHANDA NA

Tinalakay sa session sa Tanggapan ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang kailan lamang inaprubahan ni Pangulong Marcos na Grant of one-time Service Recognition Incentive or SRI at ang Grant of Rice Assistance sa lahat ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Nasa dalawampung libo o 20k ang nakatakdang matanggap ng mga regular employees ng munisipalidad.
Ang rice assistance naman ay nasa 25kgs. na matatanggap ng lahat ng empleyado kasama ang Job Orders at Contract of Service Workers.

Nilinaw din sa session na mga regular employees lamang ang magiging benepisyaryo ng SRI.
Samantala, pag-apruba na lamang ng ordinansa ang hinihintay, at maaari na itong irelease para sa mga empleyado ng LGU Dagupan.
Nakadepende naman ang pamamahagi ng Rice Assistance sa availability ng Rice Supply ng NFA. |ifmnews
Facebook Comments