Mariing pinuna ng Kabataan Party-list ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa importasyon ng dagdag na 150,000 metriko tonelada ng asukal.
Tanong ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel, importasyon na lang ba ang sagot natin tuwing may pangamba sa suplay ng bigas, sibuyas at ngayon asukal?
Mungkahi ng Kabataan Party-list, sa halip na umangkat ay dapat magpatupad ng pangmatagalang programa para paunlarin ang agrikultura at industriya ng bansa.
Kasama sa mungkahi ng Kabataan Party-list ang pagbibigay ng production subsidy sa mga magsasaka at pagbuwag sa mga cartel.
Bukod dito, hiniling din ng grupo na magtalaga na ng hiwalay na Agriculture secretary na kayang harapin ang mas malaking hamon na ito.
Facebook Comments