Pag-apruba sa 2nd Reading sa Kamara ng panukalang 2021 National Budget, welcome sa Palasyo

Ikinalugod ng Malacañang ang pagpasa sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ng proposed ₱4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpapasalamat sila sa Kamara sa napapanahong pag-apruba sa 2021 budget.

Pero dumistansya si Roque sa hakbang ng Kamara na biglaang ipinasa ang budget sa ikalawang pagbasa.


“That’s a purely internal matter of the House of Representatives,” ani Roque.

Nabatid na ipinasa ng Kamara sa second reading ang panukalang 2021 national budget matapos nag-mosyon si House Speaker Alan Peter Cayetano na tapusin ang plenary debates para sa panukalang batas.

Pagkatapos nito, sinuspinde na ang sesyon hanggang November 16.

Dahil walang naka-schedule na sesyon, hindi magagawa ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco na ipanawagan ang pagpapalit ng liderato.

Facebook Comments