Pag-apruba sa bakuna kontra Japanese Encephalitis, kinuwestyon

Kinuwestyon ni dating Health Secretary, Iloilo Rep. Janette Garin ang mabilis na pag-apruba ng Food and Drug Administration sa bakuna kontra Japanese Encephalitis.

Kinontra rin ni Garin ang sagot ni Health Sec. Francisco Duque III na apat na buwan bago nabigyan ng sertipikasyon ang J.E. VACCINE

Tiniyak naman ni Duque na tama ang mga impormasyon niya tungkol sa bakuna.


Sinabi pa ni Garin, na makaluma ang estilo ni Duque sa pagsugpo ng Dengue.

Tugon ni Duque, bumaba sa ilalim ng kanyang pamamahala ang mga namamatay dahil sa Dengue.

Kasabay nito, nanindigan si Garin na kailangang ituloy ang Anti-Dengue Immunization Program gamit ang Dengvaxia sa gitna na rin ng tumataas na kaso ng Dengue.

Pero binawi na ng FDA ang Certificate of Product Registration ng bakuna.

Facebook Comments