MANILA – Itinakda na ng kamara ang planong pag-apruba ng panukalang pagbabalik ng death penalty sa bansa bago tuluyang magbakasyon ang mga kongresista sa darating na pasko.Alinsunod na rin ito sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang parusang kamatayan bilang panakot sa mga kriminal.Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, tina-trabaho na nila ang pag-aapruba sa naturang panukala para makaabot ito bago dumating ang pasko.Matatandaang ibinigay na lamang ni Pangulong Duterte sa kamara ang kapangyarihang magdesisyon sa pag-a-apruba sa nasabing panukala at kung sa paanong paraan ito ipapatupad.
Facebook Comments