Pag-apruba sa panukalang-batas na bubuo ng virology and vaccine institute sa Pilipinas, pinamamadali na sa Senado

Pinamamadali na ang Department of Science and Technology (DOST) sa Senado ang pag-apruba sa panukalang-batas na bubuo ng virology and vaccine institute sa Pilipinas.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, nakakita na sila ng pondo para sa inisyal na proyekto bagama’t pending pa rin ang panukala-batas.

Ikinatuwa naman ng kalihin ang mabilis na aksyon ng House of Representatives sa panukala.


Matatandaang sa huling State of the Nation Address, tinawagang-pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kongreso na magpasa ng bansa na bubuo virology and vaccine institute na tutulong sa krisis na nararanasan ng bansa dahil sa COVID-19.

Facebook Comments