PAG-ARALAN MUNA | Planong increase sa SSS contribution, pinapasuspinde ni Senator Binay

Manila, Philippines – Pinapasuspendi ni Senadora Nancy Binay sa Social Security System o SSS ang plano nitong pagtataas sa 14 percent ng kasalukuyang 11 percent sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro nito.

Giit ni Senator Binay, dapat pag-aralan at humanap muna ng ibang opsyon ang SSS bago magpanukala ng pagtataas sa kontribusyon ng kanilang mga miyembro.

Diin ni Senator Binay, anumang dagdag na kita na kasalukuyang tinatanggap ng mga miyembro niyo dahil sa ilang exemptions mula sa pagbabayad ng personal income tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act o TRAIN ay mawawalan ng kabuluhan nang dahil sa hakbang ng SSS.


Dagdag pa ni Senator Binay, dapat ipakita muna ng SSS na may katapatan ang serbisyong ipinagkakalob nito sa kanilang mga miyembro sa pamamagiyan ng paghabol sa mga delinquent accounts, at pagtugon sa mga reklamo ng pensioners at mga nag-aapply ng loan.

Tinukoy din ni Binay ang lumabas sa joint hearing ng senate committee on government corporations at labor na may 8.3 million delinquent members ang SSS, bukod pa sa may utang itong P42.7 billion na may interes na P25.3 billion.

Facebook Comments