PAG-ARALANG MABUTI | Pagsasabatas ng divorce bill, huwag madaliin – VP Leni Robredo

Manila, Philippines – Huwag sanang madaliin ang pagpapasa sa divorce bill.
Ito ang panawagan ni Vice President Leni Robredo sa harap ng patuloy na pagsusulong na maisabatas ang diborsyo sa bansa.
Ayon sa Bise President, dapat na mapag-aralan munang mabuti ang panukala at bigyan ng pagkakataong mapakinggan ang posisyon dito ng mga stake holder.
Nito lang nakaraang buwan ng Pebrero nang maaprubahan sa committee level ng Kamara ang panukalang absolute divorce and dissolution of marriage.
Layon ng panukala na bigyan ng secured legal separation ang mga mag-asawang nakakaranas ng pambubugbog sa kanilang partner, pagpapalit ng asawa, pagkakalulong sa droga, alak, sugal at iba pang dahilan ng hindi na maayos na pagsasama.

Nabatid na sa buong mundo, ang Vatican City at Pilipinas na lang ang hindi nagpapatupad ng diborsyo.

Facebook Comments