Pag-arangkada ng school year 2021-2022 ngayong araw, magiging mapayapa – DepEd

Umaasa ang Department of Education (DepEd) na magiging maayos ang pagbubukas ng school year 2021-2022 na magaganap ngayong araw.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, hindi ito ang unang beses na ipinatupad ang distance learning kaya malaki ang tiwala niyang magiging magaan ang pagbubukas ng klase.

Sa ilalim ng distance learning, gagamit ng printed at digital modules ang mag-aaral kung saan magaganap ang klase sa pamamagitan ng videoconferencing at social media.


Ipapalabas din ang mga aralin sa television maging sa mga istasyon ng radyo.

Samantala, aminado naman si Malaluan na mayroon pang ring mga pagsubok ang kakaharapin ng kagawaran dahil sa limitadong kagamitan.

Batay sa huling datos ng DepEd, umabot na sa 22 milyong mga mag-aaral ang nakapag-enroll kabilang na ang mga nasa pampubliko at pribadong paaralan.

Facebook Comments