Pag-archive ng Senado sa Impeachment case laban kay VP Duterte, nakakahiya para sa isang kongresista

Nakakahiya para kay Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Giit ni Cendaña, ang hakbang ng Senado ay pagtataksil sa Konstitusyon at pagtataksil sa panawagan ng taumbayan.

Ayon kay Cendaña, naging Duterte Senate na ito matapos isuko ang independence at ang mandatong itinatakda ng Saligang-batas.

Diin ni Cendaña, sa pagtalikod ng Senado sa kanyang tungkulin ay nagsilbi itong tagakunsinti at taga-kubli ng mga krimen ng Bise Presidente partikular ang pandarambong ng ₱612 Million ng confidential funds at lantarang pang-aabuso sa kapangyarihan.

Facebook Comments