Nakiusap ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na huwag arestuhin at ikulong ang mga taong hindi tama ang pagsusuot ng face mask sa publiko.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline de Guia, dapat magpatupad ang pamahalaan ng makatwiran at makataong pagdidisiplina sa mga violator.
Aniya, mas dadami lamang ang human rights violations dahil sa mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.
Dapat magkaroon ng malinaw na guidelines para hindi ito maabuso.
Binigyang diin ng CHR na ang dapat paigitingin ay education at information campaigns at hindi takutin ang mga tao.
Ang pagpapakulong sa mga violators ay palalalain lamang ang COVID-19 situation sa bansa.
Facebook Comments