Pag-aresto kay Maria Ressa, kinondena

207

Mariing kinondena nina Senator Antonio Trillanes IV at Leila De Lima ang pag-aresto sa mamamahayag na si Maria Ressa dahil sa kasong Cyber libel.

Diin ni Trillanes, ang nabanggit na hakbang ay pagkitil sa malayang pamamahayag at pagsira sa ating demokrasya.

Ikinalungkot at ikinagalit naman ni De Lima na sinadyang arestuhin si Ressa sa gabi para hindi agad ito makapagpiyansa.

Buo ang paniniwala ni De Lima na ipinilit lang ang kaso kay Ressa kahit dapat ay ibinasura na ito.

Paliwanag ni De Lima, hindi pa naisasabatas ang Cybercrime Law nang lumabas ang inirereklamong artikulo ni Ressa at lampas na rin sa deadline ang ginawang pagsasampa ng kaso.

Facebook Comments