Manila, Philippines – Naglabas ang korte ng panibagong suspensyon sa mga warrants of arrest laban kay Moro National Liberation Front (MNLF) leader Nur Misuari.
Binigyan ng korte ng panibagong anim na buwang kalayaan si Misuari para maipagpatuloy nito ang pakikipag-usap sa pamahalaan tungkol sa implementasyon ng 1996 peace agreement sa pagitan ng gobyerno at MNLF.
Nag-lapse na kasi noong April 27 ang unang suspensyon sa arrest warrants laban kay Misuari na ibinigay ni Judge Maria Rowena Modesto-San Pedro ng regional trial court branch 158 sa Pasig City.
Ang mga arrest warrants laban kay Misuari ay pawang may kinalaman sa Zamboanga City siege noong 2013.
Tatagal ang suspensyon hanggang November 16.
* DZXL558*
Facebook Comments